katapusan ng birthmonth ko
anung tawag sa banal na kahoy...???
edi....
Holy Wood...
nyaknyaknyak!!!
ang korny! hehe!
wala napanood ko lang yun sa isang teleserye at jinoke yun. eh nakigaya lang ako. nung una nga hindi ko pa siya gaanong nagets lecheng yun! hehe!
hmmm... sobrang lonely ngayon dito sa bahay kasi umuwi ng probinsya sila mommy at bitbit ang alalay na si vincent. wala tuloy ako napagkakatuwaan dito. kaya ibinuhos ko na lang ang aking oras sa pag-cross stitch. at sa wakas... natapos ko na rin siya. apat na buwan ko ata pinaghirapan yun.. hehe! may kulang pang onti pero onti na lang as in.. konti... mas konti pa sa konti.. hehe! nung natapos ko na, wala na naman ako magawa kaya hinamon ko si kuya tir ng scrabble. habang nanonood kami ng magandang gabi bayan nag-sscrabble kami. eh ayoko nga sana manood nun kasi baka matakot lang ako. hehe! kaso gusto panoorin ni kuya tir yun kaya hinayaan ko na lang. habang nanonood kami biglang nawala yung channel two. naging blue screen! hanep! majik talaga! hehe! natakot nga ako eh. sabay nagring yung telepono. parang mala-the ring. tapos pagsinagot ko sasabihin mamatay daw ako kung hindi ko naipapanood yun sa iba within seven days. hayup talaga! hehe! sa sobrang takot ko ayoko na sana sagutin yung phone. pero sinagot ko rin. hehe! si edmon lang pala... kala ko yung mystery voice na eh. pinatay muna namin yung tv dahil lahat ng channel wala kami. bwiset na yun. kinabukasan sinubukan kong manood, wala pa rin!!! sabi ko nga baka ninakawan kami ng kable. kaso yung kabilang tv meron naman channel. kaso walang cable dun eh. tsaka kung gusto mo manood dun kelangan nakadikit yung daliri mo sa power at pag hindi, hindi siya gagana. haha! ayoko naman mapagod daliri kong pang-princessa. nagiisip ako ano kaya ang nangyari sa isang tv eh hindi naman namin siya pinakekeelaman nun. hmpf! siguro naputulan na kami ng cable. hehe!! hindi kasi kami nagbabayad. apat na buwan na. kapal namin noh?! hehe! sayang! shutter pa naman gusto ko panoorin sa cinemaone. hmpf! hindi na ako makakapanood ng myx, axn, hbo, starmovies, at marami pang iba! ehehe! bumalik na ulit ang buhay ko sa walang cable. ayos lang... at least ngayon may channel two at seven na. haha!
kanina nagpunta ako sa sm. bibili kasi ako ng footsocks ko at white stockings. pati na rin napkin. eh napadaan ako sa national bookstore. tingin tingin.. kunwari ay pera ako kaso wala naman talaga. ang pera ko eh pambili lang ng footsocks, white stockings at napkin. hanggang sa mapadpad ako sa leisure section ng mga books. tingin tingin ulit... may nakita akong isang libro. Ngalang Pinoy ang pangalan ng libro. edi basa basa ako.. hehe! ang kulit ng libro... gumagalaw..!! hehe! joke lang... hindi, makulit siya kasi nakakatawa mga nakalagay dun. ang nasa cover niya eh picture ni Mona Lisa na may hawak hawak na monay. bakery pala yun. ang name ng bakery eh Monay Lisa. haha! sa librong yun nabasa ko rin mga pwedeng ipangalan sa magiging anak niyo. kapag -ong ang apelyido mo, pwedeng Michael Jacks ang name niya. MICHAEL JACKS ONG ang full name ng anak mo. hehe! kung -ang naman daw eh pwedeng michael jord para maging MICHAEL JORD ANG. hehe! ang kulit diba? marami pa kaso hindi kaya ng utak ko imemorize silang lahat eh. yung iba naman may mga picture ng mga kainan na nakakatawa rin ang mga pangalan. isa na nga dun ang monay lisa. meron pa nga nakasulat pang chinese tapos ang name eh manya-kiss... hehe!! sa drugstore naman merong Get Well Drug, Mercy Drug, etc. meron namang isang bar na may heading na ALWAYS OPEN kaso dun sa lagayan ng names na guest nila ang nakalagay, SORRY WERE CLOSED TODAY by management. hehe! gusto ko sana bilhin yung libro kaso mahal eh.
Php200+ eh ang pera kong dala para lang sa footsocks, white stockings at napkin.
pumunta na ako sa sm department store. siyempre, hindi mawawala yung tingin tingin.. pag nakakakita ako ng gusto kong blouse, iniisip ko na ang perang dala ko ay pambili lang ng footsocks, white stockings at napkin. nang mapunta ako sa mga stockings, hindi ako pinapansin ng sales lady. siguro akala nila magtitingin tingin lang ako dun. hindi nila alam may pera akong pambili ng footsocks, white stockings at napkin. hmpf! shocks! mahal na pala ang full support na white stockings ngayon. buti na lang may excess money ako. hehe! may nakita pa nga akong anti-microbial na white stockings. yun sana gusto kong bilhin kaso baka pag nagamit ko na siya once and nilabhan mawala yung mga germ fighting ability niya. hehe! sumunod nagpunta ako sa watsons (yung dun din sa loob ng sm department store). naghanap hanap ako ng napkin. habang pumipili ako ng brand ng napkin lumapit sakin yung sales lady. "basket maam?" bwiset na yun. muka ba akong mag-grogrocery ng napkin? eh ang perang andito sakin eh pambili nga lang ng footsocks, white stockings at napkin. hindi ko naman siguro sinabing napkinS diba? hehe! kaya isa lang. "no thanks." ehhe! kunwari pasosyal ako.. hehe! mahal na rin pala ang napkin. meron pa dun pareho lang ng itsura. kaso yung isa dri-cover at yung isa eh soft cottony cover. kala ko pareho lang pero iba rin pala ang presyo! hehe! napagod na ako kaya pagkabili ko nun gusto ko na rin umuwi. hindi ko pa nga malalaman sana ang oras kung hindi lumapit sakin yung isang bata at nagtanong ng oras. walangya! alas kwatro y meja na pala! dalawang oras na pala akong nagtitingin-tingin dun! hehe! paguwi ko sa bahay ang tanong sakin ng kuya ko eh sino daw kasama ko. sabi ko ako lang. ayaw niya maniwala kasi ang tagal ko daw. impossible daw magtingin tingin ako na magisa lang. hmpf! nang isoli ko ang sukli, dun ko lang narealize na ang binili kong footsocks, white stockings at napkin eh Php300 na yun! mahal na talaga mga bilihin...!!
hmmm... bakit ba pag-ending na ng entry ko wala akong maisip na magandang ending. hmmm... to sum it all... nakabili rin ako ng footsocks, white stockings at napkin. yun lang. hehe!
mondeph 











































